KINONDENA ng EcoWaste Coalition ang pagtatangka umanong ipasok sa bansa ang tone-toneladang basura mula sa Hong Kong.
Sinabi ng EcoWaste na dapat madaliin ang paglabas ng pormal na utos sa sinasabi ni Pangulong Duterte na ipagbawal ang pagpasok ng imported na basura.
Noong Miyerkules ay ininspeksyon ng Bureau of Customs Region ang isa sa 40-footer container van na naglalaman ng 25,510 kilo ng halong plastic waste. Ang idineklarang laman nito ay assorted electronic accessories.
Dumating ang mga basura sa Mindanao Container Terminal sa Tagoloan, Misamis Oriental noong Enero 2 sakay ng SITC Fujian. Ipinadala ito ng Hin Yuen Tech. Env. Limited para sa Crowd Win Industrial Limited.
“We denounce this latest attempt to bring into the country over 25 tons of mixed plastic waste from Hong Kong amid our nation’s ongoing efforts to send back similar illegal waste shipments from Canada and South Korea,” ani Aileen Lucero, National Coordinator ng EcoWaste.
Itinuturing umano itong trial shipment at kung lumusot ay susundan ng 70 container van.
“We are shocked that the shipment originated from Hong Kong, which we find truly ironic since China has taken the unprecedented move to protect its own environment by banning waste imports, including electronic and plastic scraps and remnants. We therefore request the Chinese government to seriously look into this matter,” dagdag pa ni Lucero.