SWS: Gumanda ang buhay nadagdagan

DUMAMI ang mga Filipino na gumanda ng buhay ngayon kumpara noong nakaraang taon, ayon sa survey ng Social Weather Stations. 

Sa survey noong Marso, sinabi ng 38 porsyento na gumanda ang kanilang buhay kumpara 12 buwan na ang nakakaraan. Humirap naman ang buhay ayon sa 21 porsyento kaya mayroong net gainers na 17 porsyento.

Sa survey noong Disyembre, ang nagsabi na gumanda ang buhay ay 37 porsyento at 25 porsyento ang nagsabi na hindi.

Umaasa naman ang 50 porsyento na gaganda ang kanilang buhay sa susunod na 12 buwan, at apat na porsyento ang walang nakikitang pagginhawa.

Bahagya itong mataas kumpara sa 45 porsyentong nagsabi na gaganda at limang porsyento na hindi sa survey noong Disyembre.

Naniniwala naman ang 45 porsyento na gaganda ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan ay 10 porsyento naman ang nagsabi na hindi. Mas mataas ito sa 43 porsyentong gaganda at 11 porsyento na nagsabi na hindi sa mas naunang survey.

Kinuha sa survey ang opinyon ng 1,440 respondents mula Marso 28-31. Mayroon itong error of margin na plus/minus 2.6 porsyento.

Read more...