Gabriela nabahala sa pagpapakalat ng pribadong litrato ng Pisay students

NABABAHALA ang Gabriela sa pagpapakalat online ng mga pribadong litrato ng mga estudyante ng Philippine Science High School sa Quezon City.

Nag-rally ang ilang estudyante at magulang kahapon matapos na payagan umanong maka-graduate ang anim na estudyante na nagpakalat ng litrato ng kanilang mga kamag-aral.

“We in Gabriela Women’s Party are deeply disturbed over the statement of some Philippine Science High School students claiming rampant voyeurism, cyber pornography, sexual harassment and misogynist culture victimizing female students. Alarmingly, we have received similar complaints from other high schools,” saad ng Gabriela sa isang pahayag.

Ang mas nakakabahala umano ay ang magaan na pagtrato sa mga estudyante na hindi pinatawan ng mabigat na parusa sa kanilang nagawa.

“There are many reasons behind the prevalence of such degrading treatment and views of women. Not making perpetrators accountable and making light of female objectification contribute to such prevalence and impunity.”

Nagdesisyon umano ang Board of Trustees ng PSHS na payagan ang mga sangkot na estudyante na maka-graduate. Ang parusang ipinataw sa kanila ay community service, ‘Needs Improvement’ sa character at written apology.

Sa Mayo 29 ang graduation rites ng mga estudyante.

Iaapela ng mga biktima at concerned group ang desisyon ng BoT.

Read more...