Aliw kami sa sign na sinasabi ni Ara Mina na hiniling niya before siya tumakbo bilang councilor sa Quezon City.
Hindi niya nakita ang sign na kanyang inaasam-asam kaya hindi na siya tumakbo at sinuportahan na lang ang kandidatura ng kanyang amang si Chuck Mathay who ran as mayor pero natalo nitong nakaraang eleksyon.
“Humingi rin ako ng sign kay God, e, if I’m going to run this election, hindi Niya ibinigay. So, wala yung sign,” say ni Ara sa presscon ng “The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story.”
When asked what sign she asked for, ito ang sagot ng aktres, “Wala naman, simple ano lang naman… na makakita ako ng white flower’, yung mga ganu’n. Hindi ako nakakita ng white flower, instead, red!”
Anyway, busy si Ara sa kanyang Hazelberry Café dahil open na siya for franchise.
Sa usapang lovelife naman, ayaw na ni Ara na mag-entertain ng showbiz suitors. Parang nadala na siya.
Nagde-date naman siya pero parang wala pang nakapasa sa kanyang panglasa although merong dalawang guy na masigasig na nanliligaw sa kanya.