Nabuhay ang pangalan ng one-hit wonder na si Jimmy Bondoc, na ngayon ay PAGCOR Vice President for Corporate Social Responsibility Group at tagasuporta ni President Rodrigo Duterte, nang tumalak siya laban sa isang TV network sa Facebook.
Marami ang kumukwestyon sa motibo ni Jimmy sa pagbabato ng mga akusasyong wala namang ebidensya at dinagdag pang hinihintay niyang magsara ang naturang network. Harsh!
Dahil sinabi niyang “biggest TV network,” maraming netizens ang nagsasabing ABS-CBN ang tinutukoy niya rito. Kaya naman marami rin ang nagre-react, hindi ba’t nakinabang din ang career ni Jimmy sa Dos?
Sa huli naming search sa internet, naging guest hurado si Jimmy sa It’s Showtime noong 2014. Kung matatandaan, nag-release din siya ng album sa ilalim ng noo’y Star Records, nagkaroon pa ng concert na pinrodyus ng network, at makailang beses na ring nag-perform sa iba’t ibang shows nito.
Komento ng ilan: Wala nga bang utang na loob si Jimmy Bondoc, at bitter lang dahil laos na siya at wala nang showbiz career?
Pero kung talagang galit si Jimmy sa Kapamilya network, bakit siya bumalik dito noong September, 2018 para mag-perform sa Jambayan segment ng ASAP at tugtugin ang nag-iisa niyang hit song na “Let Me Be the One”?
Nakakatawa! Mukhang gusto na lang kapitan ni Jimmy ang kung ano mang natitira sa career niya para lang magpaka-relevant. Tanda ko pa nga, nag-release pa si Jimmy ng isinulat niyang kantang “Yaya” bilang “regalo” sa AlDub noong 2015. May pattern ng pagpapansin itong one-hit wonder na ito!