Sarah G pumayag makipag-break kay Matteo sa loob ng 45 days

SARAH GERONIMO AT MATTEO GUIDICELLI

Cool na cool lang naman si Sarah Geronimo nang makausap kamakailan ng ilang kaibigan sa media hinggil sa pagpasok ni Matteo Guidicelli sa military.

Mukhang napaghandaan na raw ito ni Sarah at very proud pa sa pagsasabing suportado niya ang boyfriend sa dream nitong makapagsilbi sa bayan na may ranggo ng 2nd Lieutenant sa Philippine Army at hindi nga malayong maging opisyal ng AFPdahil sa talino at dedikasyon nito.

Sa loob ng 45 days ay sasailalim si Matteo sa matinding miliary training sa isa sa mga kampo ng AFP sa Bulacan at pag-aaralan na daw ni Sarah na hindi makausap o maka-text man lang ang BF sa loob ng panahong nasa training ang aktor.

Bukod sa bawal ang gadget sa loob ng kampo, hindi rin puwedeng dalawin ni Sarah si Matteo kaya’t maituturing daw na “break” muna sila for the next 45 days.

Read more...