Alex bastos daw; bagong kanta tinawag na ‘basura’

Kung sadya mang biniyayaan si Alex Gonzaga ng kakaibang wit and humor, dapat din niyang malaman na may kaukulan din itong responsibilidad at respeto.

Maaaring hindi na siya pinatulan pa ng Mayor ng Parañaque na kanyang pinatutsadahan (though may disclaimer nga siyang wa naman niya mention ang name), pero hindi pa rin siya nakalusot sa pambabatikos at sabihang bastos at feeling intelligent pero waley naman.

At ang latest nga niyang pinatulan ay ang pamba-bash sa kanyang kanta na tinawag ngang “basura.”

Witty naman ang naging sagot ni Alex na may “pera” sa basura pero mas marami pa rin ang nangnenega ngayon sa kanya.

Aminin nating higit siyang kumikita ngayon sa kanyang vlog, but the fact remains na soon ang mga nagawa at ginagawa niya sa kanyang mga video ang siyang magiging sukatan kung anong klaseng tao siya.

Read more...