Mapapanood muli ang isa sa mga bida ng Oh My Venus na si Sung Hoon sa upcominc romantic-comedy na Level Up.
Gaganap si Hoon bilang isang Ahn Dan Te, isang restructuring expert. Makakasama niya rito si Han Bo Reum, na gaganap bilang Shin Yeon Hwa, isang development department head ng isang gaming company. Susubukang isalba ng dalawa ang kumpanya para hindi maisara.
Nakatakdang mapanood ang Level Up sa Hulyo 10.
Bukod sa Oh My Venus (2015), kabilang din sa mga K-drama ni Hoon ang My Secret Romance (2017), Five Enough (2016) at Noble, My Love (2015).
Ito naman ang magiging female lead role ni Bo Reum, bagamat napanood na siya ilang K-drama, kabilang na ang Go Back Couple (2017), Modern Farmer (2014), at Dream High (2011).
MOST READ
LATEST STORIES