KOREAN word of the week: “Museun tteusieyo” – sa Ingles ito’y “What does this mean?” At sa atin naman ay “Ano ang ibig sabihin nito?”
Tiyak kong excited na kayo ngayon pa lang!
Kumpirmado nang magsasama sa upcoming fantasy drama na The King: The Eternal Monarch ang Korean superstar na si Lee Min Ho at ang Goblin female lead star na si Kim Go Eun.
Mismong ang Hwa&Dam Pictures ang naghayag na si Go Eun ang makakapareha ni Min Ho sa kanyang first K-series after his military discharge recently.
Kwento ang The King: The Eternal Monarch ng dalawang parallel universe ng present at ng Empire Korea. Isang detective ang papel ni Min Ho na gaganap bilang Lee Gon.
Dalawang karakter aman ang gagampanan ni Go Eun, ang detective na si Jung Tae Eul at isang kriminal na si Luna during the Korean Empire.
Magtutulungan sina Lee Gon at Jung Tae Eul para labanan ang kasamaan at maisara ang pintuan sa pagitan ng dalawang mundo. Mapapanood na ito sa 2020.
Lumabas sa military si Min Ho noong Abril matapos ang dalawang taong mandatory service. Huli siyang napanood sa The Legend of the Blue Sea (2016).
Sumikat nang todo ang aktor sa Korea at sa iba pang bahagi ng Asia dahil sa Korean drama na Boys Over Flowers noong 2009.
Napanood naman si Go Eun sa blockbuster fantasy series na Goblin kasama ang isa pang Korean superstar na si Gong Yoo.