Robin to Sharon: Patawarin mo na ako sa pagkukulang ko sa iyong napakabigat

SHARON CUNETA AT ROBIN PADILLA

IS Sharon Cuneta mad at Robin Padilla?

Yan ang tanong ng mga social media followers ng TV host-actress matapos mag-sorry ang action star kay Mega.

This happened after Sharon posted a throwback photo with Robin, Rudy Fernandez and Fernando Poe, Jr.. Naging leading man ni Shawie sa pelikula ang tatlong aktor.

She wrote, “Heartbreaking to know that this photo will never happen again.

“Two of my best friends here have already gone to heaven. I will never stop missing them.

“The Three Kings and I.”

Apat na pelikula ang nagawa noon nina Robin at Sharon: Maging Sino Ka Man (1991), Di Na Natuto (1993), Pagdating ng Panahon (2001), at Unexpectedly Yours (2017).

Dalawa namang blockbuster movies ang nagawa ni Mega with FPJ, ang Kahit Konting Pagtingin (1990) at Minsan Pa: Kahit Konting Pagtingin Part 2 (1995). Nakatambal naman niya si Daboy sa Kung Kailangan Mo Ako (1993).

Sa comments section, isang follower ni Sharon ang nagsabing dapat daw alagaan ni Mega ang friendship nila ni Binoe. Pero ang reply sa kanya ng aktres, “Parang dapat sa kanya natin ipadala ang message mong ito!”

Sumagot naman dito si Robin ng, “Kambal tapos na ang eleksyon patawarin mo na ako sa pagkukulang ko sa iyong napakabigat.”

Ang feeling ng mga netizens, may connect ang hugot nina Robin at Sharon sa politika. Kilalang avid supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robin habang asawa naman ni Mega si Sen. Kiko Pangilinan na konektado naman sa Oposisyon.

But some Sharonians believe that this is still about Robin’s “no show” at the 40th anniversary concert of the Megastar last year.

Hugot ni Mega, “Hay nako. Nahurt ako. Inimbita ko manood ni walang sagot. Di na ako kilala ang biilis makalimot!

“Di na mauulit 40th ko. Pero sa abs-cbn ball may time sya. Okay lang napakasaya ko naman nung concert. Pero lam nya naman memory ko parang singlaki ng memory ng elepante. Di makakalimutan. Hmmp. What a disappointment.”

Ang tinutukoy ni Sharon ay ang ABS-CBN Ball na ginanap noong second day ng kanyang two-night concert.

Read more...