BINASAG agad ni Alex Gonzaga ang isang basher na nang-asar sa kanya sa social media at nang-okray sa tatay niyang si Bonoy Gonzaga.
Idinaan na lang ng TV host-vlogger-comedienne ang pagresbak niya sa nasabing hater na idinamay pa nga ang kanyang tatay na si outgoing Taytay Vice Mayor Bonoy Gonzaga.
Natalo si Bonoy nang kumandidato bilang mayor sa Taytay, Rizal, ang nahalal naman ay si Joric Gacula.
Sa isang Instagram post ni Alex, nag-comment ang netizen na si @youtubepromotionchannels, “Cancelledt [sic] kana ate girl HAHAHAHHA. Better watch what comes out of your mouth kasi, yan tuloy talo din daddy mo sa election. LMAO.”
Ito naman ang maikli ngunit pang-asar na reply ng kapatid ni Toni Gonzaga, “@youtubepromotionchannels Cancelled walang T!”
Bago ito, na-bash nang todo si Alex dahil sa kumalat na video kung saan tinawag niya umanong “madugas” ang reelected mayor ng Parañaque na si Edwin Olivarez.
Dahil dito, nabalitang idedeklara siyang persona non grata sa Parañaque. Pero nilinaw naman ng mga opisyal sa lungsod na wala itong katotohanan.
Balita ring balak makipag-usap ni Alex nang personal sa kampo ni Mayor Olivarez para malinawan ang issue.
Ayon naman kay Toni, “She will move on from this. ‘Yung babaunin niya dito ‘yung lesson na natutunan niya… Si Alex, she’s taking everything one day at a time, and she’s maturing from every challenge na pinagdadaanan niya.
“Iyon siguro ang maganda rito, she knows when she falls down, and when she commits a mistake, she owns up to it, and she moves on and she learns,” pahayag pa ng kapatid ni Alex.