GMA sumulat sa Senado para sa 11 priority bills ni Duterte

SUMULAT si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo sa Senado upang maipasa ang mga nakabinbing legislative agenda ni Pangulong Duterte.

Sa sulat sinabi ni Arroyo kay Senate President Tito Sotto III na mayroong 11 priority bills na naipasa na ng Kamara na nangangailangan ng aksyon ng Senado.

“As for the eleven pending bills in the President’s priority legislative agenda, we await the action of the Senate and stand ready to adopt the Senate version in the interest of speedy legislation,” ani Arroyo sa sulat.

Kasama sa mga panukalang ito ang Security of Tenure Act, National Land Use Act, Department of Disaster Resilience Act, Tax Reform for Attracting Better and High Quality Opportunities, pagtataas ng buwis sa alak at sigarilyo, at pag-amyenda sa Juvenile Justice system.

Muli umanong gagawa ang Kamara ng panukala para sa paggawa ng Coconut Industry Trust Fund na nakasunod sa polisiya ng gobyerno.

Read more...