Angel may black eye na, nakagat pa ng aso


MATAPOS magkaroon ng black eye, isa pang “kamalasan” ang inabot ni Angel Locsin – nakagat naman siya ng aso.

Ipinost ng lead star ng The General’s Daughter ang kanyang litrato sa Instagram Story kung saan makikita ang kagat ng aso sa bandang baba.

Caption niya sa litrato, “Ano bang nangyayari sa ‘yo ha? Nakagat ka pa ng aso.”

Kamakailan lang ay nag-post si Angel ng mga picture niya na may blackeye.

“50 Shades of Black under my eye, na sinubukan kong i-mowdel?

“Any helpful tips on how to get rid of a black eye quickly, aside from vitamin C, arnica, & ice? I’m proud of my battle scars but this girl gotta work. PS. I was not abused. Thank you!” ang caption niya sa nasabing litrato.

Read more...