Si Liza pa rin ang gaganap na Darna; Pia napiling Valentina?


TRULILI kaya na noong hindi pa nagre-resign si Liza Soberano bilang Darna ay kumpirmado nang si Arci Muñoz ang gaganap na Valentina?

Ito ang nadulas na sabi sa amin ng isang taga-ABS-CBN. At dahil nawala na si Liza sa Darna movie ay nabalitaan naming napalitan na rin ang ilang members ng cast.

Hindi na raw si Arci ang gaganap na Valentina dahil ibibigay na ito kay 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach.

Nakausap naman ng ilang katoto si Jonas Gaffud na manager ni Pia at tumawa lang daw ito sabay sabing, “Wala namang offer.”

Isa pang nabalitaan namin na nawala original cast ay si Tony Labrusca na dapat sana’y siyang magiging leading man ni Liza. Ang sabi sa amin, “Baka kasi hindi na bagay si Tony kung sinuman ‘yung mapipiling next Darna.”

Pero teka, may hula ang aming source na posibleng si Liza pa rin ang gaganap sa iconic Pinay superhero dahil nga pupunta na ang dalaga sa Amerika para ipaopera ang kanyang daliri. Na pwede namang mangyari pero sa pagkakaalam namin pagkatapos ng surgery ni Liza kailangan pa niya ng therapy na tatagal ng ilang buwan.

At kung talagang walang makitang pwedeng pumalit sa dalaga bilang Darna, baka nga hintayin na lang nila ang paggaling ng finger ni Liza. Wait and see na lang tayo.

Read more...