Solenn nakalimutan ang wedding anniversary nila ni Nico


NAKALIMUTAN ni Solenn Heussaff ang wedding anniversary nila ni Nico Bolzico.

Ito ang inamin ng Kapuso TV host-actress sa kanyang Instagram post last May 21. Ayon kay Solenn, talagang nawala sa isip niya na 3rd anniversary nila ng kanyang asawa nitong nagdaang Martes.

“So I totally forgot till someone said “happy anniv” to me. Almost 9 years together and 3 years since this special day happened. 3 years of laughter, stress, small arguments, being lost at times, but three years of BEING,” unang pahayag ni Solenn.

Sa kanyang mensahe, nangako rin ang sexy actress na gagawin niya ang lahat para mas maging mabuting asawa. May nakakatawa ring message si Solenn sa napili niyang wedding photo nila nila ni Nico para i-post sa IG.

Aniya, “Will work on things I need to work on, and will do better where I can. I wouldn’t be fun if I were perfect anyway. Cheers to more years of us forgetting our anniversary and being unsure of what’s to come (like this photo haha). Te amo @nicobolzico.”

Read more...