A TALE of two administration bets.
Sa pag-post ni Mocha Uson sa kanyang blog na may naaamoy siyang “SmartMagic” nitong eleksiyon ay parang kinuwestiyon na rin niya ang pagkakapanalo ng kanyang mga kaalyado sa pambansang lebel.
The former PCOO ASec ran under the Kasosyo party list (na may kunek kay Janet Napoles, ang umano’y mastermind sa likod ng pork barrel scam) hoping to get a Congressional seat.
Sadly, hindi sapat ang nakuha lang nitong botong mahigit 170,000 to think na ipinagmalaki ni Mocha noon na may 5.4 milyong sumusubaybay sa kanyang blog.
Anyare? Nasaan na ang 5.4 million followers niyang ‘yon na dapat sana’y bumoto sa kanya? Tuloy, nabukelya na mas malaking bilang du’n are nothing but trolls hiding under the cloak of anonymity (or obscurity).
Sayang, asang-asa pa naman si Mocha sa pagkakataong magkakaroon siya ng boses sa Kongreso to get back at the opposition. Tuluyan na siyang tinanggalan ng pakpak disenabling her to fly, para ano? Yes, magkalat lang naman sa Kongreso, what else?
Dumako naman tayo kay Bato dela Rosa na hindi na natinag sa kanyang puwesto bilang ikalimang may pinakamataas na boto sa pagkasenador.
A self-confessed lawmaking ignoramus, kinabog pa niya ang may mga karanasan sa pagbalangkas ng batas.
Pero kung matatandaan, ultimo langaw ay inisnab ang kanyang pelikulang pinagbidahan ni Robin Padilla.
Kung ito ang basis, may katwiran nga siguro si Mocha na sabihing may madyik sa bilangan. Kung ang mga bumoto ba kay Bato were the same people who trooped to the cinemas na pinagpalabasan ng kanyang pelikula, certified blockbuster sana ‘yon na kumabog sa Vice Ganda or KathNiel movie na consistent sa pag-ani ng award sa Guillermo!