Mag-ina patay sa kidlat

 

NASAWI ang 41-anyos na ginang at kanyang anak na babae matapos tamaan ng kidlat sa kanilang bahay sa Balete, Aklan.

Nakilala ang mga nasawi bilang sina Gina Inocencio at anak niyang si Regina, isang grade 4 pupil, ayon sa ulat ng Western Visayas regional police.

Naganap ang insidente dakong alas-2:46 ng hapon Sabado, sa Sitio Kil-ohan, Brgy. Fulgencio.

Nag-iigib si Gina at kanyang anak habang umuulan, nang tamaan ng kidlat, ayon sa ulat.

Dinala pa ang dalawa sa Dr. Rafael Tombokon Memorial Hospital ng Kalibo, ngunit kapwa idineklaranf dead on arrival ng doktor. 

Read more...