Sino ang Speaker? | Bandera

Sino ang Speaker?

Leifbilly Begas - May 22, 2019 - 12:15 AM

USAP-USAPAN ngayon sa Kamara de Representantes ang posible umanong pagbabalik ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang speaker sa 18th Congress.
Lalong lumakas ang ugong sa posibilidad na ito nang matalo ang mga kandidato na kilalang kakampi ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio na kasama niya sa Hugpong ng Pagbabago.
Tinalo ni Alvarez ang kalaban niyang si Gov. Anthony del Rosario na ang akala ng marami ay llamado sa laban.
Si Mayor Sara ang itinuturing na nasa likod ng pagkasibak kay Alvarez na pinalitan ni dating Pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo.
Kung wala si Mayora ang palagay ng maraming kongresista ay hindi naman mapapalitan si Alvarez.
At nagiisip din ‘yung maraming kongresista na uupo muli sa susunod na Kongreso (18th Congress). Marami naman sa kanila ay iniwan din si Alvarez lalo na nung sure winner na si GMA.
Pero paano naman ang ibang ‘pinangakuan’ o ‘tinawag’ na speaker ni Pangulong Duterte at Mayor Duterte? Ano’ng mangyayari sa kanila.
Sabi ni Taguig-Pateros congressman-elect Alan Peter Cayetano tumakbo siyang kongresista dahil nakakuha siya ng assurance na magiging speaker sya. Paano nga naman makukumbinsi na iwanan ni Cayetano ang pagiging kalihim ng Department of Foreign Affairs kung maging isang ordinaryong kongresista lang naman siya?
Out of the question na naman si Davao del Norte Rep. Tonyboy Floirendo dahil natalo siya. Sabi nga ni Alvarez sa isang panayam matapos sabihin ni Floirendo na interesado rin siya sa speakership, ‘manalo muna siya’.
Isa pang tinawag na speaker si Marinduque Rep. Lord Allan Velasco na kilalang malapit kay mayora. Ilang beses siyang tinawag na susunod na speaker ng alkalde.
Pero tinawag din ni Mayor Sara si Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez na next speaker.
Sa dami ng napangakuan ay sure na mayroong pusong luluha.
Isa lang naman ang magiging speaker. Medyo malaman naman siguro ang three-way term sharing. At kung may term sharing mang magaganap ang tanong ay sino ang mauuna, at sino ang huli? Lalabas na tig-iisang taon sila. Iba ang speaker sa bawat pagbisita ng Pangulo sa Kongreso para ilahad ang kanyang State of the Nation Address.
Sino nga kaya ang magiging speaker?
Syempre si Pangulong Duterte ang masusunod. O baka mali ako, baka si Mayor Sara?
Wait, wait, paano naman si Davao congressman-elect Paolo Duterte, wala ba siyang say?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending