Lea binanatan sa isyu ng abortion, vasectomy

LEA SALONGA

“HINDI ako advocate ng abortion!” Yan ang ipinagdiinan ng Broadway star na si Lea Salonga matapos ma-bash ng ilang netizens tungkol sa nasabing isyu.

Nag-post kasi si Lea sa kanyang Instagram account ng isang quote about her stand on abortion, “Against abortion? Have a vasectomy.”

Nilagyan niya ito ng caption na, “There. Problem solved.” Sa mga hindi pa aware, ang vasectomy ay isang birth control surgical procedure para sa mga lalaki.

Hindi ito nagustuhan ng isa niyang follower dahil ang pagkakaintindi niya ay pabor si Lea sa abortion.
Komento ng netizen, “I disagree with you on this one, Lea. Everytime a woman chooses abortion, a life, not hers is ended.

“We may disagree on when life begins. But that ‘clump of cells’ is a human being in the making,” sabi pa ng netizen.

Hindi naman ito pinalampas ni Lea at nilinaw na hindi siya advocate ng abortion, pero aniya karapatan niya ang magdesisyon para sa sarili lalo na kung malalagay sa peligro ang kanyang health.

“For the record, I’m not an advocate of abortion. However, I’d like to think that I have the autonomy to decide what I can do for myself and my health care.

“It’s not up to me to decide what is right for another woman. Sure I have a uterus, but it’s not up to me to make difficult choices for other women whose lives will differ from mine. That is all,” aniya pa.

Pagpapatuloy pa niya, “As for this post, it’s snarky. White men have chosen to control women’s bodies, hence they’ve opened the door for women to control theirs. Quid pro quo. That is all.”

Ang IG post ng international singer-actress ay may konek sa pinag-uusapang isyu sa Alabama, USA kung saan ipinoprotesta ng mga kababaihan ang pagpapatupad doon sa anti-abortion law.

Dahil dito itinuturing ng isang krimen ang abortion, maliban na lang kung kailangan itong gawin para sa kalusugan o kaligtasan ng babae.

Read more...