Gerald maliit lang ang sweldo sa paliga ni Pacquiao

GERALD ANDERSON

NAGPASALAMAT si Gerald Anderson sa pagkuha sa kanya ng Marikina Shoe Masters bilang player sa nakaraang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) Datu Cup.

Ito ang inorganisang basketball tournament ni Sen. Manny Pacquiao.

Nag-post ng message si Gerald sa kanyang Instagram account, “Isa ito sa pinakamasayang experience sa buhay ko, malaki ang pasasalamat ko kay Coach-Konsehal Alvin Tolentino sa pag angat ng laro ko sa iba level marami ako natutunan sa pag alalay nia sakin. Maraming alamat muli Marikina Shoe Masters.”

Nagtanungan ang followers ng aktor kung hindi na ba siya maglalaro sa coming season ng liga o lilipat na siya ng ibang team. Nanatiling tikom si Gerald sa sagot niya.

Kumpara nga naman sa kinikita niya bilang artista, di hamak na mas maliit ang kita niya bilang player sa MBPL, huh! Maliit man ang pera, nairaos naman niya ang passion niya sa paglalaro ng basketball dahil sa MPBL.

Bukod kay Gerald, naglaro rin ang iba pang celebrities sa paliga ni Pacman nitong nagdaang season tulad nina Xian Lim at Andre Paras.

 

Read more...