Bianca kinikilig kapag tinatawag na Sahaya

BIANCA UMALI

Nakaka-flatter! ‘Yan ang sinabi ni Sahaya lead actress Bianca Umali kapag tinatawag na siyang Sahaya ng mga tao.

Ayon sa dalaga, mas lalo pa siyang ginaganahang gampanan ang kanyang role sa primetime series ng GMA at gawin ang lahat ng kanyang makakaya para mas mapaganda pa ang serye.

“Masaya, sobra. Because practically everyone calls me Sahaya nowadays. It’s like a recognition for me and it shows na maraming nanood sa pinaghihirapan namin. I’m also very thankful for that recognition dahil mas nakakaganang ipagpatuloy ‘yung ginagawa namin,” sabi ni Bianca sa panayam ng GMA 7.

Nang matanong kung ano pa ang dapat abangan ng mga viewers at ng mga fans nila nina Miguel Tanfelix at Migo Adecer sa Sahaya, “Marami pa! I think kung paano pa siya mag-i-improve bilang tao and ‘yung aabangan na next chapters ng buhay niya at kung saan siya dadalhin ng tadhana.

“Kaya sana mas panoorin pa ng mga manonood dahil marami pang mangyayari sa buhay ni Sahaya,” aniya pa.

Napapanood pa rin ang Sahaya sa GMA Telebabad after Kara Mia.

Read more...