Angel nakipagtalakan sa doktor: Nakakahiya naman po kayo, bakit hindi po kayo ang mamundok!?

ANGEL LOCSIN

NAKIPAGTARAYAN si Angel Locsin sa isang netizen na nagpakilalang doktor sa social media at tumawag sa kanya ng “walang laman ang utak.”

Nagsimula ito nang mag-tweet ang Kapamilya actress tungkol sa kalagayan ng mga kababayan natin na naninirahan sa kabundukan, partikular na ang mga rebeldeng patuloy na nakikipaglaban sa pamahalaan.

Ayon sa netizen “embarrassing” ang mga naging pahayag ni Angel at sinabihang mamundok muna para malaman ang tunay na sitwasyon ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA).

“Dear Ms. Angel Locsin, artista ka. Doctor ako. FYI lang. Please take time to know your Philippines history very well (sic). Your whining here on Twitter is so embarrassing.

“Walang laman eh. NPA sprouted because of the liberal party whom you’re defending. Go to the mountains for you to know,” panglalait ng nasabing doktor.

Ito naman ang matapang na resbak sa kanya ni Angel, “Ba’t hindi ho kayo ang mamundok ng makatulong pa ho kayo sa mga lugar na malayo ang ospital kesa ho gamitin nyo pa ho ‘yung oras nyo sa pag tweet sa akin? Inaano ko po ba kayo, ma’am para magalit ka ng ganyan?”

Hindi pa rin nagpatalo ang doktor at muling nag-tweet ng, “FYI, I am from Eastern Samar na madami ang NPA. Kaya hindi mo na kelangan sabihin sakin na mamundok. Baka kailangan mo yan for you to get in touch with reality. Not with written scripts.”

Ayon kay Angel, palagi siyang nagpupunta sa bundok kaya alam na alam niya ang sitwasyon doon, “Lagi po ako sa bundok. Maganda na maramdaman mo na malawak ang mundo at napaliit lang natin. Very humbling. Try nyo rin po at mukhang kailangan nyo po, Doc.”

Buwelta uli sa kanya ng netizen, “Ganito ka shallow si Ms. Angel Locsin. Comparable to an empty can. Too noisy but nothing inside. Bawal ba magcomment sa inappropriate actions nya? As artista, she should be responsible with her actions and choice of words.”

Siyempre, hindi pa rin nagpatalo ang aktres at ipinaglaban pa rin ang kanyang paniniwala, “Bilang doctor, responsible ka rin ho dapat. Nakakahiya po kayo. Siguro wala ho kayong client na artist kung ganyan ang tingin nyo samin.

“Mapangmataas ka po. Pero wala namang laman ang sinasabi. Pinalaki ho ako ang maayos ng magulang ko at tinuruan akong lumaban para sa tama,” aniya pa.

Read more...