Joshua natatakot makipag-usap kay Dennis Padilla; bad shot sa tatay ni Julia

DENNIS PADILLA AT JOSHUA GARCIA

BAD shot pala si Joshua Garcia sa tatay ni Julia Barretto na si Dennis Padilla.

Ito ang dahilan kung bakit nais makausap nang masinsinan ng komedyante ang Kapamilya young actor para malinawan kung ano nga ba ang problema.

Inamin ni Dennis na hindi na rin sila masyadong nagkikita at nagkakausap ni Julia, sa text message na lang daw niya nakakausap ang anak lalo na kung may problema ang dalaga.

“Hindi nga masyado e, (nakakausap si Julia) kasi alam niya na medyo bad shot sa akin si Joshua kaya hindi na siya nag-open up sa akin,” pahayag ng comedian sa panayam ng ABS-CBN.

Kuwento pa ni Dennis, nalalaman pa rin daw niya kung may pinagdaraanan ang anak, lalo na sa lovelife nito. Siyempre, bilang tatay, wish niya na maging maayos ang relasyon nina Julia at Joshua.

“Maayos pa naman siguro ‘yun pero up to today, I’m still waiting for Joshua to reach out to me and mukhang hindi niya pa yata kaya and wala siguro sa personality niya na mag-reach out,” sey ni Dennis.

Dagdag pa niya, “I did my part, kasi one time I texted him, I tried to call him, talk to him. Ang sabi naman sa akin, baka naman daw natatakot.”

Gusto lang daw niyang makumusta si Joshua at ang relasyon nila ni Julia, “Kamusta ka na? Kamusta na kayo ng anak ko? Ganu’n lang. ‘Yun lang naman, ang importante, masaya sila ng anak ko ngayon, happy na ako.

“Ang sinasabi ko nga sa ibang tao pagka-sobrang init na sa kusina, lumabas ka na, kung kaya mo pa ang init sa kusina, ipag-patuloy mo pa ang pagluluto diyan,” pahayag pa ni Dennis sa interview ng ABS.

“E ano ba naman gagawin ko, ka kausapin nga kita, bakit naman ako gagawa ng isang bagay na ikasisira ko at ikasisira ng anak ko, I just want to talk to him, if given a chance. E nag-die down na ang issue kaya sabi ko  hayaan na lang natin. Anyway, baka magkasalubong naman kami sa ABS-CBN, e ang liit ng mundo, di ba?” dugtong pa ni Dennis.

Read more...