MAGKAHALONG saya at kaba ang nararamdaman ngayon ni Megastar Sharon Cuneta ngayong ga-graduate na ang anak na si Frankie sa high school.
Sa kanyang Instagram account, proud na proud na ipinost ni Sharon ang graduation photo ng anak na may caption na, “Graduating from high school soon. Then we take her to her dream school and help her move into her dorm in New York in August.”
Dagdag pa niya, “How did this happen? Why so fast?!!! Oh my Baba… Mama will miss you every single day… But I am so very proud of you! I love you with all my heart. You are golden.”
Ngayon pa lang ay nagiging sentimental na si Mega dahil very soon ay magkakalayo na sila ni Frankie. Balak kasing mag-aral ng bagets sa ibang bansa. Inaatake na agad siya ng “sepanx” o separation anxiety sa paglayo ni Frankie.
“How am I gonna eat when I’m home with the family — and seeing your empty seat beside me?!!! Waaaaah!! I can’t!!!” ang pahayag pa ng singer-actress tungkol sa pag-alis ni Frankie.
Hirit pa ni Mega, baka naman daw pwede pang pag-isipan ng anak ang kanyang plano. Pwede naman daw siyang pumili sa magagandang school sa Pilipinas.
“Magaling naman ang U.P. at Ateneo at La Salle anak… Huhuhu! Stay na lang kaya? Kundi titira ako dyan!” chika pa ni Shawie.
Si Frankie ang panganay na anak ni Mega sa kanyang asawang si Sen. Francis “Kiko” Pangilinan. Sinundan ito ni Miel at ng adopted son nilang si Miguel.