Bilang ng batang high blood tumataas

KAHIT mga bata ngayon ay hypertensive na rin o may hypertension o high blood.

At alam ba ninyo ang dahilan? Ito ay bunga ng pagkain ng mga fast food.

“People think young kids do not get heart disease or kidney disease, do not get hypertension, but they eat a lot of fast food,” ayon kay Dr. Rafael Castillo, dating pa-ngulo ng Philippine Society of Hypertension.

Ayon kay Castillo, hinahayaan ng ilang mga magulang ang kanilang mga anak na kumain ng mga fatty o oily food dahil sa katwiran na mga bata pa naman ang mga ito at hindi dadapuan ng sakit gaya ng high blood pressure.

Ayon naman kay Dr. Dolores Bonzon, pediatrician at kidney at hypertension specialist, na kadalasan na dahilan ng hypertension sa mga bata, partikular na sa 5-anyos pataas, ay dulot ng acute postinfectious glomerulonephritis, isang kondis-yon na maaaring masolusyunan.

“So, hypertension, in this case, is only transient,” ani Bonzon.

“However, essential hypertension is starting to be seen more frequently especially among adolescents because of the increasing incidence of obesity in children and the proliferation of fast-food restaurants which serve high fat and high-salt food.”

Gayunman, hindi pa rin matukoy ang eksaktong dami ng mga bata na meron nito ngayon sa bansa.

Sa United Kingdom, sinasabi na kadalasang sanhi ng salt o asin sa pagkain ay nakukuha sa tinapay (brown o white man ito) at maging sa cereal.

Sinasabi na ang pagkain ng isang bowl ng cereal ay pagkonsumo ng halos isang bowl din ng tubig dagat.
Kaya mahalagang sinusuri ng mga magulang ang nutritional label ng mga pagkain na ibinibigay sa mga anak.

Mga kadalasang sanhi ng hypertension

KILALANG “silent killer” ang hypertension o altapresyon o higit na kilala sa tawag na high blood pressure. At hindi pa batid ang eksaktong sanhi nito, subalit marami nang kadahilanan at mga kondisyon na pinagmumulan nito at kabilang dito ang mga sumusunod:

Paninigarilyo
Labis ang timbang o sobrang taba (overweight o obese)
Kawalan ng pisikal na aktibidad o ehersisyo
Labis na asin o alat sa pagkain
Sobrang pag-inom ng alkohol (mahigit 1 o 2
inumin kada araw)
Stress o tensyon
Pagtanda
Kasaysayan ng altapresyon sa pamilya
Paghihilik sa pagtulog o sleep apnea
Sakit sa bato o chronic kidney disease
Sakit sa adrenal at thyroid glands
Genetiko

Read more...