IT’S been a week since the mid-term elections were held, but to this day ay mabuti pa ang magpakalango sa alak, the hangover the next day is sure gone.
Ramdam pa rin namin ang kinalabasan ng nagdaang halalan, short of saying we haven’t moved on. Not yet.
Kung sa local level, para sa amin ay generally acceptable ang naging resulta, it’s the opposite feeling pagdating sa national. Pero nariyan na ‘yan. Kung ang mga talunan ngang ibinoto namin have thrown in the towel, kami pa kaya ang hindi makatanggap ng kanilang pagkatalo?
Pero hindi nagtatapos ang lahat sa May 13 electoral exercise, certainly not the be-all and end-all of our very existence bilang isang lahi which should fight for what is right.
Sabihin na nating nagkaroon ng madyik, o statistically impro-bable na ni isang kinatawan ng Otso Diretso had made to the Magic 12 does not necessarily mean we have given up the fight.
Tuloy ang laban. Tuloy ang pagmamatyag lalung-lalo na sa kawalan ng kakayahan ng ilan sa mga nagwaging senador who will most likely add to the already besmirched, shameless image ng gobyernong ito.
At kung magkaganu’n man, as it certainly will turn out to be, walang karapatang magreklamo o dumakdak ang mga bumoto sa kanila as the very voters have themselves to blame!
Kung dismayado kami sa national election results, we found comfort sa naging outcome sa local level.
Ibase natin ito sa mapa ng Metro Manila.
Sa western part ay ipinagbubunyi namin ang landslide victory ni Isko Moreno na nagtuldok sa pamunuan ng dating Presidenteng si Erap Estrada who chose to demote himself at tumakbong alkalde ng Maynila.
Dati na siyang nanungkulan sa San Juan sa napakahabang panahon, at kasuwapangan nang matatawag ang paglundag niya sa ibang lungsod to stay in power.
Congrats, Isko. Deserving ka talagang maagaw ang kapangyarihan sa isang lider na nakasuhan na noon ng pandarambong. Isang mayor na wala naman talagang silbi o relevance para paunlarin ang Maynila, bagkus gamitin ito para sa kanyang pansariling interes.
Napag-uusapan na rin lang ang San Juan, congrats kay Ginoong Zamora na lumampaso kay Janella Ejercito. Tama lang na mabuwag na ang 49-taong pamamayagpag ng Estrada-Ejercito, spilling over to the Senate.
Mahigpit ding pakikipagkamay kay Mayor-elect Vico Sotto laban sa dynastiya ng mga Eusebio. We’re no big fan of his dad, pero bilib kami sa kanyang inang si Coney Reyes na matagumpay na naisaksak sa kukote ng kanyang anak ang mga maka-Diyos na values.
Vox populi or vox Comelec, it doesn’t really matter now.
Ayaw man naming pumasok sa Magic 12 ang mga magnanakaw, mga walang alam, mga nagpahirap sa bayan, mga tiwali, mga balimbing, life is one of acceptance.
But the fight isn’t over yet.
Mas lalo lang ine-expose ng mga ito ang kanilang mga sarili to public execution, not just public scrutiny.
All the more that they’re offering themselves as willing laughing stocks na kinukutya dahil sa kanilang kabobohan at katiwalian at kagahamanan.
This we see as the triumph of a nation worth saving and worth dying for.