Angel ibinandera ang tinamong black eye, humingi ng tulong sa netizens

NAGKA-BLACK eye pala si Angel Locsin. Nag-post ang Kapamilya actress sa Instagram ng litrato kung saan makikita ang maga at nangingitim niyang mata.

Sa iniligay niyang caption dito, nanghingi siya ng tulong sa kanyang 5.3 million Instagram followers kung paano mapapabilis ang paggaling ng tinamong black eye.

Mabilis namang nilinaw ng dalaga na hindi siya biktima ng physical abuse pero wala rin siyang sinabi kung saan niya nakuha ang black eye.

“50 Shades of Black under my eye, na sinubukan kong i-mowdel.

“Any helpful tips on how to get rid of a black eye quickly, aside from vitamin C, arnica, & ice? I’m proud of my battle scars but this girl gotta work.

“PS. I was not abused. Thank you!” ang kabuuan ng mensahe ni Angel.

Nitong mga nakaraang araw, sunud-sunod ang pagpo-post ng aktres sa kanyang social media accounts ng mga video na naglalaman ng mga maaaksyong eksena sa serye niyang The General’s Daughter. Dito makikita ang mga buwis-buhay niyang stunts at fight scenes na talagang siya ang gumagawa.

Read more...