#Tuhog: Tony Labrusca nominadong Best Supporting Actor at New Movie Actor sa Star Awards for Movies

BONGGA si Tony Labrusca dahil nominado siya sa dalawang kategorya sa gaganaping 35th Star Awards for Movies sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila sa Hunyo 2.

Nominates si Tony para sa pagka-Best Supporting Actor at New Movie Actor of the Year para sa pelikulang “ML” (Martial Law) na idinirek at pinrodyus ni Benedict Mique.

Kamakailan lang ay nanalo siya sa Gawad Elenita Navor-Hermoso para sa Natatanging Artista ng Bagong Henerasyon ng 17th Gawad Tanglaw Awards.

Best actor awardee rin siya sa Gawad Urian 2019 na gaganapin sa Hunyo 18 para pa rin sa pelikulang “ML”.

Ayon sa baguhang aktor ay sobrang saya niya dahil ilang taon palang siya sa showbiz ay maraming beses na siyang nano-nominate. At isang malaking bonus pa raw kapag nanalo siya.

Sabi ng aktor ay trabaho lang siya nang trabaho at i-binibigay lang lagi ang best niya sa bawat proyektong ginagawa niya dahil gusto niyang magtagal sa industriya.

Umaasa rin siya na na mabibigyan pa siya ng mas maraming challenging roles in the future para mailabas pa niya ang kanyang talento sa akting.

Sa umeereng teleseryeng Sino Ang Maysala: Mea Culpa ay positibo ang feedback kay Tony at kahit baguhan ay hindi siya nagpapahuli kina Ketchup Eusebio, Sandino Martin, Kit Thompson, Ivana Alawi, Bela Padilla at Jodi Sta. Maria.

Bagay kay Tony ang role niyang mayor na mahusay sa pamamalakad sa bayang nasasakupan pero sa kabila noon ay may itinatagong lihim.

At dahil sa witness na lumutang sa pagpatay kay Bogs (Ketchup) ay nadiin si Greco (Kit) kaya’t nagsampa ng reklamo ang kakambal nitong si Arman (Ketchup) at ang prosecutor na hahawak ay walang iba kundi ang kaibigan nilang si Gaylord (Sandino).

Na-dismiss ang kaso ni Greco dahil base sa pananaliksik ni Gaylord ay walang probable cause ang kaso, hindi matibay ang ebidensiyang sinasabi ng witness at ng CCTV footages na nakuha nu’ng gabing namatay si Bogs.

Katatapos lang ng gusot ni Greco heto’t lumusob siya sa bahay ni Lucio (Jay Manalo), asawa si Lolita (Ivana) dahil miss na miss na niya ang girlfriend na duda niya ay ikinulong ng negosyanteng asawa.

Mukhang may split personality naman si Juris (Bela) dahil kinausap niya ang sarili niya sa salamin at pinagagalitan niya ito dahil sa gulong nangyayari ngayon sa buhay niya at sa buong grupo.

Hindi kumbinsido sina Arman (kakambal ni Bogs) at Fina (Jodi) kaya’t pinuntahan nila si Gaylord (Sandino) para alamin kung bakit na-dismiss ang kaso.

Going back to Tony (Drei) ay may malaking party sa bahay nila at nagkagulatan na lang nang makita ni Gaylord sa freezer ang isang bangkay at nalaman ito ng senadorang ina ng una na si Matilda Montelibano (Ayen Munji-Laurel).

Base sa teaser na mapapanood ngayong gabi, Lunes ay may basbas ang nanay ni Drei na ilibing ang bangkay na nakita sa freezer.

Samantala, mabibigat ang mga kalaban ni Tony sa pagka-best supporting actor tulad nina Art Acuña (Goyo: Ang Batang Heneral), Arjo Atayde (Buy Bust), Joem Bascon (Double Twisting, Double Back), Tirso Cruz III (Rainbow’s Sunset), Gabby Eigenmann (Citizen Jake), Teroy Guzman (Citizen Jake), Joel Lamangan (School Service), Jeffrey Quizon (Goyo: Ang Batang Heneral) at Aaron Villaflor (Mamu And A Mother Too).

Sa new movie actor of the year ay katunggali naman ni Tony sina Atom Araullo (Ci-tizen Jake), Darren Espanto (The Hows Of Us), Danzel Fernandez (Otlum), Dennis Garcia (Hapi Ang Buhay), Iyah Mina (Mamu And A Mother Too), Donny Pangilinan (Walwal), Ricci Rivero (Otlum), Ryle Santiago (Bakwit Boys) at Brandon Vera (Buy Bust).

Read more...