IPINUSLIT ni Kris Aquino sa sinehan ng Ayala ang anak na si Bimby nang manood sila ng “Kuwaresma” ni Sharon Cuneta kasama ang dalawang kaibigan.
Palibhasa matangkad, sinunod ni Kris ang payo ng isa sa kasama na hindi na mapapansin ang anak.
Aware naman si Tetay sa rating ng movie mula sa MTRCB, isang R-13 at isang R-16. Halos 30 minutes pa lang silang nanonood nang sitahin na sila ng staff ng sinehan ayon sa kuwento niya sa Instagram.
“No excuses, mali kami for trying to puslit Bimb,” bahagi ng post ni Kris. Pero sabi pa niya, matapos ang ilang buwan, puwede nang mapanood ang pelikula sa Video on Demand.
“This Mama has learned her lesson,” saad pa ni Kris.
Pinanood ng TV host-actress ang movie ni Sharon Cuneta bilang suporta sa kaibigan. Nagpahayag nga lang siya ng point of discussion tungkol sa pagbibigay ng MTRCB ng rating sa mga Pinoy movies.
“Our no yet adult kids can watch movies and series (example Game of Thrones) with very mature themes, on their gadgets & maybe the classification of movies is something that needs re-evaluation because access has become so much easier because of streaming (Netflix, amazon, iflix) prime cable (HBO, Showtime etc) and iTunes and Google Play.”
Sinang-ayunan naman ni Iza Calzado ang naging pahayag ni Kris about movie classification and rating.
“Time to re-evaluate!” komento ni Iza.