#TubigAtLangis: Jinggoy, JV tuloy pa rin ang bangayan

JV EJERCITO AT JINGGOY ESTRADA

Kung sa Makati ay lantarang nagbabangayan ang magkapatid na pulitiko, sina dating Senador Jinggoy Estrada at Senador JV Ejercito naman ay nagpapatambisan lang sa social media, hanggang patutsadahan lang ang kanilang alitan.

Tubig at langis ang magkapatid sa amang ito, hindi sila puwedeng pagsamahin, nagiging civil lang sila sa isa’t isa sa harap ng publiko.

May kasutilan din si dating Senador Jinggoy, talagang tahasan niyang sinabi na mas pabor siya kay Senador Nancy Binay sa pinag-aagawan nilang numero ni Senator JV, ginamit pa niya ang salitang better.

Natural, papayag ba naman ang kapatid niya sa ama na basta na lang ganu’n ‘yun? Ang better ay ginawa naman nitong bitter.

Maluwag sa kaloobang tinanggap ni dating Senador Jinggoy ang kanyang pagkabigong makapasok sa Magic 12, pinasalamatan niya ang lahat-lahat ng tumulong at nagbigay ng tiwala sa kanya, ganu’n dapat ang lahat ng mga pulitikong nabigo nu’ng nakaraang halalan.

Tantanan na ng iba diyan ang pagsasabing nadaya raw sila, na kesyo naapektuhan ng mga sira-sirang makina nu’ng eleksiyon ang kanilang boto, ang talo ay talo na sa anumang lengguwahe daanin.
‘Yun ang totoong bitter.

Read more...