ANYARE sa isang female personality na pagkaingay-ingay! Ano na ang nangyari sa kanyang career sa pulitika? Bakit nananahimik siya ngayon?
Komento ng mas nakararami ay hanggang sa arangkada lang daw naman kasi magaling ang babaeng ito.
Palaging sa una lang, pero kapag nagtagal-tagal na ay nakabusal na ang kanyang bibig.
Kuwento ng aming source, “Kahit sa panaginip siguro, e, hindi naisip ng babaeng ‘yun na ililigwak pala siya ng mga kasamahan niya. Pakitang-gilas pa naman siya, inaaway niya ang lahat para sa taong dinidikitan niya, pero anyare?
“Bakit bigla na lang siyang nawala? Bakit hindi man lang siya ipinagtanggol ng taong ipinaglalaban niya?
Napaka-loyal pa naman niya, pero nasaan na siya ngayon? Waley!” patutsada ng aming source sa daldakinang female personality.
Asang-asa pala kasi ang female personality na kukunin siya bilang pambatong kandidato ng kampong ipinagkikipagpatayan niya.
“Wait siya nang wait, pero walang pasabi man lang sa kanya na kasali siya sa listahan ng mga pulitkong susuportahan ng lolo niya!
“Hanggang sa napagod na siya sa kahihintay, nakalimutan na yata siya ng kasaysayan, kaya bumuo siya ng grupong siya ang team leader.
“‘Yun ang mahirap sa mga taong masyadong confident. Sobra sa laki ang tingin sa sarili niya ng babaeng ‘yun! Bakit nga naman, e, siya ang lantad na lantad na nang-aaway sa mga kababayan nating kumakalaban sa lolo niya!
“Pero anyare nga? Mukhang may mga kumontra sa girl para makapasok sa balwarte ng lolo niya! Parang pinagkaisahan siya, di ba?
“Wala nang nagawa ang girl kundi ang tanggapin na lang ang kapalaran niya sa mundo ng pulitika. Hindi siya napasama sa grupong totoong sinuportahan ng lolo niya!
“Napakadaling hulaan kung sino ang female personality na ito. Sa lahat ng okasyon, basta nandu’n ang may edad nang pulitiko, e, nandu’n din ang girl! Tiis-tiis siya ngayon, nakaabang lang, dahil parang balewala na siya sa tropang pinagrereynahan niya nu’n!
“Kumain na lang muna siya ng ice-cream para lumamig ang ulo niya! Anong flavor kaya ng ice-cream ang gustung-gusto niya?” pagtatapos ng aming source.
Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo pa ba naman kayo ngayon sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?