MULING nagtagpo at nagkrus ang landas ni Toni Gonzaga at ng dati niyang leading man sa Kapamilya sitcom na Home Sweetie Home na si John Lloyd Cruz.
Naganap ang “reunion” nila sa pa-thanksgiving dinner ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga taga-showbiz industry. Kuwento ni Toni nakasama niya sa iisang table si Lloydie.
Matagal nang hindi napapanood si John Lloyd sa TV at pelikula kaya kinumusta ng press kay Toni ang muli nilang pagkikita ng aktor sa Malacañang matapos itong mag-indefinite leave noong October, 2017 at tuluyan na ngang iwan ang kanilang sitcom.
“Same table kami. Normal lang,” ani Toni sa nakaraang mediacon ng bagong season ng Home Sweetie Home: Extra Sweet na napapanood pa rin tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.
Hindi raw sila nagkaroon ng chance na makapag-usap nang matagalan, “Kasi ‘yung scenario and ‘yung gathering, hindi appropriate para pag-usapan ‘yung trabaho because it was such a formal meeting.
“Walang nag-uusap about work, e. We were just there. And we were all waiting kung ano ‘yung magiging talk ng president,” paliwanag ni Toni.
Nilinaw pa ng TV host-actress na hindi naman lahat ng naimbita sa pa-dinner ng Palasyo ay tagasuporta o nangampanya kay Duterte. May mga pumunta rin na inimbitahan lang talaga. Sa katunayan, kahit siya ay nagulat din na naimbitahan sa event.
“Ang alam ko lang, siguro na-invite kami dahil kay Kuya Robin (Padilla, na kilalang supporter ng Pangulo). Siguro feeling ko dahil doon. Pero di ko alam ang basis kung bakit kami na-invite.
“Basta it was a private invitation na pinadala sa amin. Lahat kami nagkagulatan, ‘Ah, invited ka pala.’
Kasi it was such a private invitation na hindi namin alam kung sino yung mga makakasama namin.
“So nagkakagulatan kami pag may dumarating, ‘Ah, invited ka pala.’ Di rin namin alam kung bakit kami ‘yung mga napili na dumating because I wasn’t active nong during the campaign ng Presidente,” aniya pa.
Samantala, inamin ni Toni na handa na siyang mag-goodbye sa Home Sweetie Home kaya nagulat siya nang ipaalam sa kanila na magkakaroon ng bagong season ng kanilang sitcom kasabay ng pagre-reformat nito.
“Ako, from the start na nagkaroon kami ng big challenge, na nagkaroon ng malaking challenge ‘yung programa, naihanda ko na ‘yung sarili ko, because hindi naman tayo bago sa industriya, alam natin na shows come and go talaga.
“So, I was already prepared that time na mag-e-end ‘yung chapter ng Home Sweetie and bilang isang artista, siyempre, kung ano lang ‘yung i-assign sa iyong trabaho, gagawin mo,” aniya pa.
Umere na last Saturday ang unang episode ng Home Sweetie Home: Extra Sweet kung saan ipinakilala na rin ang mga bagong characters kabilang na sina Vhong Navarro, Alex Gonzaga, Luis Manzano, Bayani Agbayani at Rio Locsin. Siguradong mas marami pang pasabog ang mga bagong katropa ni Toni tuwing Sabado.
“I’m just so surprised and very thankful na the management decided to push through with the program and give it a new look, give it a new flavor, give it a new taste, a new family. So, siyempre nagulat ka kasi you’re prepared to let go of something that has been a part of your life for four years, five years.
“So, I’m just really grateful because may chance, may second chance na magpatuloy ang program with this new family na siyempre, mas exciting,” sey pa ni Toni.
Nawala naman sa sitcom sina Sandy Andolong, Rufa Mae Quinto, Ogie Alcasid, Empoy Marquez at Piolo Pascual.
“So, of course with a heavy heart, we close that chapter. But with a hopeful heart again, I’m very happy, I’m looking forward and I’m grateful for this new family na nabuo namin ngayon.
“Very exciting yung every taping day namin na i-look forward kasi bago talaga, lahat ng nakikita mo, ng nakakasama mo kaya excited kang magtrabaho,” sey pa ni Toni.