Bubble Girls iha-hotseat sa TBATS; Gabbi Garcia ‘nambiktima’

GABBI GARCIA

Make the most of your Sunday evening – again! Tutok na sa isa na namang episode ng hindi mapantayang katatawan at kalokohan sa The Boobay And Tekla Show.

Sa “Feeling the Blank,” iha-hotseat ang Bubble Girls na sina Valeen Montenegro, Lovely Abella at Chariz Solomon habang makiki-Prangking In Tandem naman ang Kapuso IT Girl na si Gabbi Garcia.

Magpapanggap siya bilang muay thai student na kailangang mag-train kuno para sa isang upcoming action series.

In another TBATS parody segment, Boobay and Tekla play the role of siblings, Judith and Amor who unearthed a stash of gold coins from their backyard. Totoo kaya ang mga gold coins o fake? Masa-shock kayo sa magiging resulta.

Sa “TBATS on the Street,” pahuhulaan sa mga PUV drivers ang mga popular road signs. Kaloka ang mga sagot ng mga dakilang “piloto” sa kalye. At tutukan din ang special edition ng “Dear Boobay and Tekla.”

Lahat ‘yan mapapanood ngayong gabi sa The Boobay and Tekla Show after Kapuso Mo, Jessica Soho sa GMA lang.

Read more...