‘Itaga n’yo sa bato, never magkaka-girlfriend si Alden!’

SINUPALPAL agad-agad ni Winwyn Marquez ang nagpasimula ng chikang merong romantic something sa kanila ni Alden Something.

Sa isang interview ay tawang-tawa lang si Winwyn sa pagkaka-link sa kanya kay Alden.

“Wala naman kaming itinatago, nag-uusap naman talaga kami ni Alden kapag nagkikita. And he’s very sweet naman din talaga sa lahat. Hindi, wala talaga,” say ng dalaga.

Aware din si Winwyn na naba-bash na siya ng AlDub fans pero waley ito effect sa kanya.

Maging kami ay tawang-tawa the first time we read an item romantically linking them together. Napaka-trying hard kasi ng pagkaka-link ng dalawa, hard sell na hard sell ang dating.

Ang effect nga sa amin ng chikang may romantic something ang dalawa ay isa itong damage control. Matagal na kasing nababalita na questionable anggender ni Alden lalo pa’t he never had a girlfriend in eight years.

And paniwala ng netizens, there is something wrong in Alden dahil sa guwapo niyang iyon ay wala siyang love life.

Isa pa, inamin ni Maine Mendoza sa isang open letter na friends lang sila ni Alden, na hindi siya niligawan nito. Itaga ninyo sa bato, never magkaka-girlfriend si Alden, ‘no!!!

 

Read more...