Heart ibinandera ang ginagawang pelikula sa China: I got the role, it’s my first action movie

IBINANDERA na ni Heart Evangelista sa isang interview ang isang international film na ginagawa sa China.

Dati kasi ay tikom ang bibig ni Mrs. Chiz Escudero sa detalye ng tinatapos na foreign movie.

Sa interview kay Heart, sinabi niyang gumigising siya ng alas kuwatro nang umaga para tumakbo, at mag-boxing na nagsilbing training din niya.

“It’s my first international and it’s my first action movie. I got the role.

“So parang medyo pressure siya kasi I really have to workout and I really have to be fit or else di ko kakayanin,” pahayag ni Heart sa 24 oras.

Babalik muli sa China ang Kapuso actress para sa natitira pa niyang shooting days. Basta pangako niya pag lumabas ito, “You’ve never seen me like this before. Even me I’m shocked kapag pinapanood ko ag sarili kong gumagawa ng gigawa ko!” pagmamalaki ni Heart.

Eh, next year pa naman niya haharapin ang pagbubuntis kaya kering-keri pa ni Heart ang maaaksyong eksena niya.

Makakasama rin ang Kapuso actress pagbabalik ng Starstruck bilang isa sa mga judge.

 

Read more...