‘Kadenang Ginto’ nina Dimples at Beauty na-extend hanggang 2020

DIMPLES ROMANA, ALBERT MARTINEZ, BEAUTY GONZALES AT ADRIAN ALANDY

INANUNSYO na sa ginanap na Kadenang Ginto thanksgiving presscon na hanggang 2020 pa tatagal ang panghapong programa ng ABS-CBN.

Kaya naman tiyak na magdiriwang ang mga sumusubaybay sa serye na pinagbibidahan nina Beauty Gonzales (Romina), Dimples Romana (Daniela) at ng mga bagets na sina Andrea Brillantes (Marga), Francine Diaz (Cassie), Kyle Echarri (Kristof) at Seth Fedelin (Mikoy).

Aliw ang ginanap na presscon dahil ang kukulit ng apat na bagets lalo na si Seth na may pagka-comedian din pala.

Si Andrea ang itinambal agad kay Seth kaya ang saya ng binatilyo dahil number one ang Kadenang Ginto na patuloy pa ring humahataw sa ratings game. Kaya tinanong ang bagets na tubong-Cavite kung ano ang masasabi niya dahil tinangkilik agad ang tambalan ni Andrea.

“Oo nga po, hindi pa ako PBB Otso, napapanood ko na silang tatlo, naisip ko po na kung makakaeksena ko sila at baka tameme ako (kasi magagaling silang lahat). Nu’ng una po intimidated ako kay Andrea pero tinulungan naman po niya ako sa mga eksena,” ani Seth.

Maganda ang samahan ng apat na bagets dahil kapag tapos na ang trabaho nila ay nagdi-dinner sila at ang paborito raw nilang kainin ay Korean food.

At bilang bagong pasok din sa Kadenang Ginto si Kyle ay nagugulat daw siya dahil Kristof na ang tawag sa kanya kapag may nakakakilala sa kanya sa mga mall.

Aniya, “Sobrang masaya po ako kasi hindi ko po alam na ganito kalaki ang mangyayari sa Kadenang Ginto na magiging Gold Squad kaming apat at kapag nasa labas po ako ng bahay parati po akong tinatawag na Tupe or Kristof. Nu’ng nagpunta kaming tatlo sa Isabella, ang tawag po sa amin ay mga pangalan namin sa Kadenang Ginto.”
Si Kristof ang ka-loveteam ni Francine sa serye na gumaganap bilang Cassie.

 

Read more...