Powers ni Daniel di umubra para maipanalo si Rommel Padilla

NABIGONG maging kinatawan ng District 1 ng Nueva Ecija si dating Board Member Rommel Padilla. ‘Yun ay sa kabila nang matinding suportang inilaan para sa kanya ni Daniel kasama pa nga ang girlfriend nitong si Kathryn Bernardo sa kanyang kampanya.

Matibay ang pulitikong binangga ni Rommel sa posisyon, nagtanim na ito nang matagal sa distritong tinakbuhan niya, kakain talaga ng alikabok ang kahit sinong bumangga kay Congresswoman Suansing.

Ngayon lang kasi nakikita sa aming lugar si Rommel Padilla, kundi pa siya napisil na patakbuhing kongresista ay hindi naman siya aktibo sa distrito, kaya hindi siya nagtagumpay.

Sa pagkukumpara sa kanya at sa kalaban niya masasabing kinapos si Rommel, marami nang nagawa sa distrito ang kanyang katunggali, kaya kahit pa kinikilig ang mga kababayan namin kay DJ ay hindi pa rin ‘yun naging boto para sa kanyang ama.

Hindi pa naman tapos ang political career ni Rommel Padilla, marami pang pagkakataong naghihintay para sa kanya, hindi niya na kailangan ng sikat na artista para magkampanya para sa kanya kapag nakikita ng kanyang mga nasasakupan na nakapagdedeliber siya ng serbisyong totoo.

Read more...