Chinese, 3 Pinoy dakip sa P20.2M shabu

ARESTADO ang isang Chinese national at tatlong Pilipino nang makuhaan ng P20.2 milyon halaga ng shabu sa buy-bust operation sa Valenzuela City, Biyernes.

Nakilala ang mga naaresto bilang sina Wu Lianlai, at mga kasabwat niyang sina Florencio Serdon, Sunbenny Marquez Jr., at Christopher dela Cruz, ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency chief Aaron Aquino.

Isinagawa ng mga tauhan ng iba-ibang unit ng PDEA ang operasyon sa Cadena de Amor st., Bahayang Pag-Asa, Brgy. Maysan, dakong alas-12:30 ng tanghali.

Nasamsam sa mga suspek ang tatlong pakete na may aabot sa 3,000 gramo ng hinihinalang shabu at ang buy-bust money.

Sasampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Law, ani Aquino.

Read more...