POSIBLENG umabot na sa P100 milyon ang jackpot prize ng Lotto 6/42 sa Sabado.
Ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office walang tumaya sa lumabas na winning number combination na 08-09-30-18-22-38. Umabot sa P96 milyon ang jackpot prize sa bola noong Huwebes ng gabi.
Nanalo naman ng tig-P25,000 ang 37 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P390 naman ang 2,442 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P24 taya ng 35,876 mananaya na nakatatlong numero.
Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
lNoon pang Marso 2 walang tumatama sa jackpot prize ng 6/42 kaya lumaki na ang jackpot prize nito.
Ngayong taon ay limang beses nang tinamaan ang jackpot prize. Una noong Enero 15 (P48.2 milyon), Enero 19 (P5.9 milyon), Pebrero 7 (P18.8 milyon), Pebrero 9 (5.9 milyon), at Pebrero 28 (P17.5 milyon).