SUPER happy nga ba ang Ex Battalion at wala na sila sa kuwadra ni Ai Ai delas Alas?
One Facebook page posted some reaction of Ex Batallion members with this caption: “BA’T PARANG MASAYA PA ANG EX-BATALLION SA PAG KALAS NI AI AI AS MANAGER?”
Nilayasan na ni Ai Ai ang pagma-manage sa nasabing grupo dahil sa dami ng sakit ng ulo na kanyang naranasan habang siya pa ang manager nito. Nariyang tumanggap sila ng raket nang palihim. May isang member ng grupo na nakipagsuntukan. May instances ding hindi sinisipot ng grupo ang mga gigs nila. May isa pang chika na nanghingi ng dagdag ng talent fee ang grupo.
Sa social media ay bash ang inabot ng Ex Batallion. Puro lait ang netizens sa kanila.
“Wala na namang mapapala si Ai Ai sa mga mga laos na yan.”
“1st and last nyo na yan! Wala na kayong career! wala pang asawa yung isa! Hahaha.”
“Sa wakas nataohan din si AiAi. Hahaha!”
“Wow ha. Sana nagpasalamat na lang nagka movie pa. Si Ai Ai lang naniwala sa inyo. Tapos ganyan pa kayo. Teka, bat ko ba pinatulan ang issue na to. Next pls.”
“Mga feeling sobrang sikat. Di pa sumikat ng husto attitude na. Di Yan tatagal.”
“Mga ingrato. End of career. Bye XB. Tulog na kayo.”
With that ay makasisiguro tayong sa kangkungan pupulutin ang career ng grupong ito na super sa pagkaingrato. Tiyak na walang tatanggap sa kanila bilang talent dahil halos lahat sila pasaway.