‘Akin Ka Na Lang’ ni Morissette naka-80M na sa YouTube

MORISSETTE AMON

Bongga! Umabot na sa 80 million YouTube views ang live performance ni Morissette para sa kanta niyang “Akin Ka Na Lang” sa Wish 107.5.

“Sobrang nakakataba ng puso!” ang reaksyon ng singer nang malaman niya ag good news.

Sa kanyang Instagram Stories, nag-post ang tinaguriang Asia’s Phoenix ng kanyang pasasalamat sa madlang pipol na mga nanood at patuloy na nanonood sa live version ng kanyang hit song simula pa noong February, 2018.

Ang kantang “Akin Ka Na Lang” ay isinulat ng songwriter na si Francis Salazar at kinanta ni Morissette noong 2014 bilang official entry sa song writing at music video contest na “Himig Handog P-Pop Love Songs”.

Nakasama ito sa Top 15 finalists, pero hindi pinaalad na magwagi.

Ang tinanghal na winner noon ay ang “Mahal Ko O Mahal Ako” na isinulat ni Edwin Marollano at kinanta ni KZ Tandingan.

Read more...