CARLO CAPARAS wala nang balak kontrahin ang SUPREME COURT: Pero napasakit ng nangyari sa amin!


We saw this coming too – ang pag-strip off ng National Artist award na ipinagkaloob ng dating administrasyon kay Direk Carlo J. Caparas (for Visual Arts and Films), along with three other recipients like Cecile Guidote-Alvarez (Theater), Francisco Manosa (Architecture) and Jose “Pitoy” Moreno (Fashion).

This insult the many, just because meron daw complaint ang ilang National Artists saying na hindi raw deserving ang apat na pinarangalan nu’ng panahon ni P-GMA.

But wait, magagawa lang naman ng Supreme Court ang pag-strip off ng honors na ito sa apat na nabanggit pag may basbas ng pangulo, di ba, P-Noy?

Kasi nga, only the president of the country ang may sole prerogative to award and/or choose National Artists. Obviously, there’s so much politics in here. “Masakit siyempre para sa akin, sa aming apat, ang pangyayaring ito dahil unang-una, as I speak for myself, hindi ko hiningi ito.

Ito’y pinagkaloob lang sa akin. Sino ba naman ako para magreklamo? Kumbaga, kahit sino man sa atin ay walang magkukuwestiyon tiyak kung bakit tayo pinagkakalooban ng parangal.

Ramdam ko ay I was caught in a crossfire sa politics.
“Ayokong mag-isip ng kung anu-ano pa dahil baka hindi lang ako maka-concentrate sa trabaho ko.

Pinagsisikapan ko na lang ngayon ang mga ginagawa ko para lalong mapabuti ang ating movie industry. Ayokong magpaapekto, ang mahalaga sa akin ay ang milyon-milyong napapaligaya natin sa ating mga obra.

Alam kong maraming nagmamahal sa akin kaya ayokong padadala sa hindi magandang emosyon,” ani Direk Carlo nang kapanayamin namin sa “Mismo” program namin sa DZMM the other night.

We feel for Direk Carlo. J. Caparas. Napakalaking insulto nito sa kaniya. Masakit pero wala tayong magagawa dahil we don’t have a voice in this country.

Pag hindi ka kasi kaalyado ng gobyernong ito, chances are sa kangkungan ka talaga pupulutin. Puwede kang yumaman pag kakampi ka nila, kahit itanong niyo pa kina Kris Aquino at sa asawa ng kapatid niyang si Balsy.

( photo credit to google )

Read more...