Bro. Eddie posibleng maupo sa Kamara

MATAAS ang tyansa na makaupo si CIBAC partylist nominee sa Bro. Eddie Villanueva ng Jesus Is Lord bilang kongresista ng 18th Congress.

Ang Citizens Battle Against Corruption ay nakakuha ng 902,551 boto ayon sa transparency server ng Commission on Elections. Ito ay pang-apat sa ranking.

Upang makaupo ang nominee ng isang partylist group kailangan itong makakuha ng dalawang porsyento ng kabuuang bilang ng mga boto sa partylist elections.

Nangunguna ang ACT-CIS (2,539,608 boto), Bayan Muna (1,082,928 boto) at Ako Bicol (1,018,091 boto).

Read more...