Mayor ng Leyte natalo sa reelection bid ng 1 boto

NATALO ang isang mayor ng Leyte sa kanyang reelection bid matapos lumamang ng isang boto ang kanyang katunggali.

Iprinoklama si Remedio Veloso, ng United Nationalist Alliance,  Lunes ng gabi matapos matalo si incumbent San Isidro Mayor Susan Ang ng isang boto.

Nakakuha si Veloso ng 8,829 boto, samantalang tumakbo si Ang sa ilalim ng PDP-Laban, kung saan nakakuha siya ng 8,828 boto.

Pamangkin si Veloso ni Rep. Vicente Veloso ng 3rd district ng Leyte.

Read more...