Revilla naungusan si Binay, nasa 11th sa Senate race

BONG REVILLA

UMAKYAT pa si dating senador Ramon “Bong” Revilla sa 2019 senatorial race, kung saan naungusan na niya si reelectionist senator Nancy Binay.

Base sa pinakahuling tally ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) transparency server ganap na alas-9:08 ng umaga, nasa pang-11 pwesto si Revilla na may 14,005,543 boto.

Lamang si Revilla kay Binay ng 5,584 boto na nakakuha ng 13,999,959 boto kayat bumaba siya sa pang-12 pwesto.

Bumaba naman lalo sa pang-13 pwesto si reelectionist Senator JV Ejercito matapos makakuha ng 13,751,411 votes,  o 248,548 boto na mas konti kay Binay.

Napanatili naman ni reelectionist Senator Aquilino “Koko” Pimentel ang pang-10 pwesto sa botong 14,023,305.

Nasa unang pwesto pa rin si reelectionist Senator Cynthia Villar na may 24,274,440 boto, na sinundan ni reelectionist Sen Grace Poe na may 21,232,689 boto.

Narito ang listahan ng mga pumasok sa Magic 12:

Umabot na sa 93.76 porsiyento ang transmittals o 82,370 ng 87,851 vote counting machines.

Nasa 71 porsiyento ang voter turnout o 45,145,826 ng 63,662,481 kabuuang registered Filipino voters.

Read more...