Kid Peña natalo si dating VP Binay sa congressional race

NATALO ni Liberal Party (LP) candidate Romulo “Kid” Peña si dating Vice President Jejomar Binay bilang kongresista sa unang distrito ng Makati matapos makakuha ng 71,035 boto kumpara sa nakuhang 65,229 boto ng dating bise presidente.

Sinabi ni Peña na bunsod naman ito ng kanyang pagtatrabaho noong kampanya kung saan nagpokus siya sa masa.

Iprinoklama si Peña sa Makati Coliseum pasado alas-4 ng umaga ng Martes.

Habang iprinoproklama si Peña, tinangka pang i-delay ng kampo ni Binay ang proklamasyon matapos kwestiyunin ang bilang ng mga bumoto sa bilang ng mga botong nakolekta.

Sinabi ng kampo ni Binay na 147,164 ang bumoto, bagamat 138,205 boto lamang ang naitala o may pagkakaiba na 8,959 boto. 

Ibinasura ni Election Officer IV Atty. Jayvee Villagracia ang mosyon at sinabing maghain na lamang ng protesta si Binay.

“I’m used to it, remember when I was still vice mayor in 2013, ganun din naman,” sabi ni Peña.

Read more...