Landslide victory para kay Vico Sotto sa Pasig

LANDSLIDE victory para kay Pasig City Councilor Vico Sotto matapos namang matalo ang incumbent mayor na si Robert Eusebio, kung saan tinapos din niya ang pamumuno ng pamilya nito sa nakalipas na 27 taon.

Sa 98 porsiyentong boto na nabilang na, nakakuha si Sotto ng 188,321 boto kumpara kay Eusebio na may 109,245 o lamang na 79,076 boto.

Sa edad na 29, si Sotto ang magiging pinakabatang uupong mayor sa mga bagong halal sa Metro Manila.

Inaasahan din ang panalo ng kanyang running mate na si dating Pasig Rep. Roman Romulo, na inaasahang mababawi ang kanyang posisyon sa Kamara matapos namang makakuha ng boto na 202,653 boto kumpara sa kanyang katunggali na si incumbent Rep. Ricky Eusebio, ang kapatid ng mayor, na nakakuha ng botong 88,404 votes.

“Everything ends. Every empire, dynasty, regime. Every period has ended,” sabi ni Sotto sa panayam ng Inquirer.

Tumakbo si Sotto sa ilalim ng Aksyon Demokratiko. Hindi naman siya kumuha ng kanyang running mate sa vice mayor, kayat walang kalaban si incumbent Vice Mayor Caruncho Bernardo unopposed.

Anak si Sotto nina Vic Sotto at Connie Reyes. 

Nagtapos siya ng political science sa Ateneo de Manila University at kumuha ng masters sa Public Management.

Nanguna siya bilang councilor noong 2016. 

Read more...