Erich ibinandera ang top 3 leading man

ERICH GONZALES AT ENCHONG DEE

Umiinom ng wine sina Erich Gonzales at Enchong Dee nang sumabak sila sa “Whisper Challenge” na mapapanood sa latest vlog upload ng aktres.

Sa nasabing game, pinahula nila sa isa’t isa ang mga katagang, “Kumo-konti na lang ang buhok mo,” “Ang lakas magpawis ng kili-kili mo,” at iba pa.

Natanong ni Enchong si Erich kung kailan siya babalik sa teleserye, sagot ng dalaga. “Oo malapit na, may ginagawa kaming teleserye ngayon.”

Sinu-sino naman ang top three leading men niya? Sagot ni Erich, si Enchong, ang Thai superstar na si Mario Maurer at Ejay Falcon.

“Ikaw, si Mario, kasi funny funny siya. Tsaka yung pang top 3, isama natin si Falcon (Ejay), in fairness naman si Falcon talaga.”

Ang tinutukoy na teleserye ni Erich ay ang Love Thy Woman kung saan makakasama niya sina Kim Chiu, Xian Lim, Christopher de Leon, Eula Valdez, Sunshine Cruz, Zsa Zsa Padilla at Ruffa Gutierrez.

Read more...