Promise ng loyal fans ni Alden: Nandito kami lagi para sa ‘yo

ALDEN RICHARDS

Walang humpay ang suporta ng fans ni Alden Richards para sa kanilang idol. Gamit ang #AnditoLangKamiALDEN at #SafeSkiesALDEN, nag-trending ito nationwide at pinadama ng kanyang fans ang kanilang pagmamahal para sa aktor.

Jetsetter nga kung maituturing si Alden dahil pagkatapos ang halos isang buwang pamamalagi sa Hong Kong para sa shooting ng movie niya with Kathryn Bernardo, tumulak naman siya sa New York para sa “Studio 7 Musikalye” concert na ginanap last Saturday sa King Arts Theater.

Nakasama niya rito ang iba pang Kapuso stars tulad nina Julie Anne San Jose, Christian Bautista, Kyline Alcantara, Rayver Cruz, Betong Sumaya at The Clash champion Golden Cañedo.

Read more...