Heart sa mga ex-BF: Mahirap ba ako kalimutan? Char!!!

HEART EVANGELISTA

Keri ba ni Heart Evangelista na makipagkaibigan sa kanyang mga ex-boyfriend?

Sa latest Q&A session ni Heart sa Instagram, isang follower niya ang nagtanong, “Can you still be friends with your exes?”

Ito ang diretsong sagot ng Kapuso actress, “Ang problem ‘di nila bet makipag-friends sa ‘kin,” she replied. “Kaloka. But thank you pa rin for the movie-like moments.”

Dugtong pa niya, “Mahirap ba ako kalimutan? Char! Eme lang! Natawa lang ako sa question na ‘to.”

Ilan sa mga celebrity na naging dating dyowa ni Heart bago naging sila ni Chiz Escudero ay sina Jericho Rosales, John Prats at Daniel Matsunaga.

Read more...